Bonoan nagbitiw, Dizon itinalaga bilang bagong DPWH chief

0
226

MAYNILA. Tinanggap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw ni Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan at itinalaga si Transportation Secretary Vince Dizon bilang bagong pinuno ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ayon sa anunsiyo ng Malacañang nitong Linggo.

“President Ferdinand R. Marcos Jr. has accepted the resignation of Public Works and Highways Secretary Manuel M. Bonoan effective 1 September 2025,” nakasaad sa opisyal na pahayag ng Palasyo.

Kasabay nito, ipinag-utos ng Pangulo kay Dizon na magsagawa ng isang “full organizational sweep” sa DPWH upang matiyak na ang pondo ng bayan ay mailalaan lamang sa mga proyektong pang-imprastruktura.

Ang kautusang ito ay inilabas sa gitna ng mga imbestigasyon hinggil sa umano’y maanomalyang flood control projects ng nasabing ahensya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.