Booster dose at pedia vax, mahigpit na hinihikayat ni Dr. Lee Ho

0
325

San Pablo City, Laguna. Iniulat ni San Pablo City Health Officer Dr, James Lee Ho na mula noong Hulyo 10, 2022, ay 99.04% o 239,535 mula sa target na 241,846 ang nabakunahan ng hindi bababa sa isang dosis. 

Ang San Pablo ay may populasyon na 302,307. Ang pangunahing layunin ay mabakunahan ang 80% (241,846) ng populasyon. Ang kabuuang bilang ng ganap na nabakunahan ay 231,396 o 95.68% (2 dosis). May 8,139 na hindi fully vaccinated na mga indibidwal.  Nagkaroon ng 66,941 booster shots na naibigay at karagdagang 118 shots. May kabuuang 67,059 o 27.73% ang nakatanggap ng una at pangalawang booster shots. May 2,311 indibidwal na hindi pa nakakakuha ng booster jab, ayon sa concurrent chief of medicine ng San Pablo City General Hospital.

Tingnan ang mga cumulative tally of accomplishments sa isinagawang Covid-19 vaccination sa lungsod ng San Pablo, ayon sa ulat ni Dr. Lee Ho, sa isang panayam ng Tutubi News Magazine.

Cumulative Tally of of Accomplishments on Covid-19 Vaccination

Ang A2 na population ng San Pablo City na 27,103. Ang misyon ay mabakunahan ang 85% (23,038) ng populasyon ng A2.

Mula noong Hulyo 10, 2022, 96.99% o 22,235 sa target na 27,103 ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis. 

Ang kabuuang bilang ng ganap na nabakunahan ay 22,278 o 96.70% (2 dosis). Mayroong 67 na partially vaccinated na A2 na indibidwal. Nabigyan ng booster shot ang 11,187 o 41.28% sa populasyon ng A2. May nananatiling 693 A2 na indibidwal na hindi pa nakakakuha ng booster dose.

Cumulative Tally of of Accomplishments on A2 Covid-19 Vaccination

Ang San Pablo ay may 38,405 na populasyon ng 5-11 taong gulang. Ang layunin ay mabakunahan ang 80% (30,724) ng mga bata. Mula noong Hulyo 10, 2022, 24.18% o 7,429 sa target na 30,724 ang nakatanggap ng hindi bababa sa isang dosis. 5,975 o 19.45% lamang ang ganap na nabakunahan (2 dosis). May 23,295 na mga bata sa 5-11 age group na hindi pa nababakunahan.

Cumulative Tally of of Accomplishments on 5-11 years old Covid-19 Vaccination

Kaugnay nito, nananawagan si San Pablo City Health Officer James Lee Ho sa mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na nasa 5 – 11 years old age group upang mabigyan sila sa proteksyon laban sa Covid-19. Nananawagan din siya sa general population na kumuha ng kanilang booster dose upang maiwasan ang muling pagdami ng kaso ng Covid-19 sa lungsod.

Binigyang diin niya ang pangangailangan sa booster para sa matatanda at bata. Sinabi ni Dr. Lee Ho na may katibayan ang World Health Organization (WHO) hinggil humihinang proteksyon mula sa pangunahing serye ng pagbabakuna sa paglipas ng panahon.

“Ang karamihan sa kasalukuyang mga impeksyon at mga kaso ng COVID-19 ay naoobserbahan sa mga taong hindi nabakunahan. Ang mga bakunado na nahahawa, karamihan ng mga kaso ay hindi gaanong malala kaysa sa mga hindi nabakunahan. Gayun din, ayon sa mga emerging data, patuloy na nagpapakita ng pagbaba ang pagiging epektibo ng bakuna laban sa impeksyon sa SARS-CoV2 at COVID-19 sa paglipas ng panahon mula noong pagbabakuna, at mas mabilis bumaba ang bisa sa mga matatanda. Ang katibayan na ito ay kadalasang nakabatay sa mga obserbasyonal nag pag-aaral ng mga siyentipiko,” dagdag pa ng city health officer.

Binanggit din ni Dr. Lee Ho ang patuloy na pagsunod sa health and safety protocols na pagsusuot ng mask at social distancing.

Dahil sa nakababahalang muling pagtaas ng Covid-19 Cases, nagbigay ng direktiba si San Pablo City Mayor Vicente B. Amante kay City Administrator Larry S. Amante na pulungin ang Local Inter-Agency Task Force (IATF) upang bumuo ng plano sa mabilis pagpigil sa paglaganap ng Covid-19. Kasama ni City Admin Amante sina Concurrent Director of San Pablo City General Hospital and City Health Officer Dr. James Lee Ho, SPC Anti-Covid 19 Task Force Commander and Asst. CHO Dr. Mercydina Caponpon at mga hepe ng mga kaukulang departamento.
(Sandy A. Belarmino, President, Seven Lakes Press Corps l Facebook grab na larawan mula sa CIO San Pablo)
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.