Pinasyalan ni OIC-Secretary of Health Maria Rosario S. Vergeire ang patuloy na pagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa mga ecozone areas sa lalawigan ng Cavite kamakailan.
Nagtungo isi Vergeire sa EMI-Yazaki sa Imus, Cavite at sumaksi sa pagtanggap ng 1st at 2nd booster ng humigit kumulang na 100 empleyado. Nagtungo rin siya sa Hayakawa Electronic Philippines Corp. sa Rosario, Cavite kung saan naturukan ng booster dose ang 923 empleyado.
Layunin ng pagbisita ni OIC Vergeire na mapatibay ang pakikipagtulungan at ugnayan sa mga pribadong sektor upang makamit ang target sa ilalim ng PinasLakas Campaign na naglalayon na mapataas ang bilang ng mga nabibigyan ng primary at booster dose ng bakuna. (PIA)
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.