Boosters para sa mga edad 12-17 maaaring simulan sa susunod na linggo

0
300

Binabalak simulan ang rollout ng booster shots para sa 12 hanggang 17 taong gulang sa susunod na linggo kapag nailabas na ang guidelines, ayon sa Department of Health (DOH) kanina.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naisumite na ng Health Technology Assessment Council (HTAC) ang kanilang rekomendasyon sa tanggapan ni Secretary Francisco Duque III upang maaprubahan.

Kapag nagbigay siya ng go signal, sinabi ni Vergeire na sisimulan kaagad ng DOH ang pagbabalangkas ng guidelines.

Inamyenda ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization para sa Pfizer bilang booster shot para sa mga menor de edad na 12 hanggang 17 noong Hunyo 14.

Kasunod nito, nagbigay ang HTAC ng green light upang magbigay ng karagdagang dosis ng bakuna sa Covid-19 sa nabanggit a age group, na ang rekomendasyon ay ipinasa kay Duque noong Hunyo 16.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.