Brawner: Security ni VP Sara pinalitan ng bagong AFP at PNP personnel

0
74

MAYNILA. Papalitan pansamantala ng mga bagong tauhan mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP)ang Ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) upang masiguro ang maayos na seguridad ni Vice President Sara Duterte, ayon kay AFP Chief General Romeo Brawner Jr.

Sa isang ambush interview nitong Miyerkules, ipinaliwanag ni Brawner na ang hakbang na ito ay kaugnay sa subpoena na natanggap mula sa PNP laban sa ilang miyembro ng VPSPG.

“The reason why we are doing this is because we received a subpoena from [the] Philippine National Police. Iimbestigahan yung mga members ng VPSPG. Hindi pa namin alam yung specifics ng kaso or yung investigation,” ani Brawner.

Dagdag pa niya, “But because may subpoena sila, it means to say hindi nila kayang gampanan yung tungkulin nila to protect and secure the Vice President. That is why we are temporarily pulling them out, replacing them. We are going to replace them.”

Bagamat hindi pa malinaw ang detalye ng imbestigasyon, tiniyak ni Brawner na ang pansamantalang pagpapalit ng seguridad ay hindi makakaapekto sa proteksyon ng Pangalawang Pangulo. Ayon sa opisyal, ang bagong mga personnel mula sa AFP at PNP ay agad na magsisimula ng kanilang tungkulin upang matiyak ang kaligtasan ni VP Duterte.

Patuloy na inaasahan ang karagdagang impormasyon ukol sa imbestigasyon laban sa mga miyembro ng VPSPG.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo