‘Breadbasket’ ng mundo, nanganganib sa giyera ng Russia at Ukraine

0
379

Ang patuloy na pagsalakay sa  Ukraine ay nagbabanta din sa suplay ng pagkain at kabuhayan ng mga tao sa Europe, Africa at Asia na umaasa sa malawak at mayabong na bukirin sa rehiyon ng Black Sea na kilala bilang “breadbasket of the world.”

Ang mga magsasaka sa Ukraine ay napilitang tumigil sa pagbubukid matapos lumikas o tumulong sa laban ang milyun-milyong mamamayan dito

Isinasara ang mga daungan na bagsakan ng trigo at iba pang mga staple ng pagkain sa buong mundo upang gawing tinapay, noodles at pagkain ng hayop. Dagdag pa dito ang alalahanin na ang Russia na isa pang agricultural powerhouse, ay maaaring tumigil sa page-export ng butil dahil sa mga sanctions ng US.

Sa ngayon ay wala pang pandaigdigang kakulangan sa mga supply ng trigo ngunit ang presyo nito ay tumaas na ng 55% mula noong isang linggo. Kung ang digmaan ay tatagal, ang mga bansa na umaasa sa murang ng trigo mula sa Ukraine ay maaaring makaranas ng mga kakulangan sa supply simula sa Hulyo, ayon sa  Director of International Grains Council na si Arnaud Petit sa The Associated Press.

Maaaring itong lumikha ng kawalan ng seguridad sa pagkain at magdulot ng kahirapan sa mas maraming tao sa mga lugar tulad ng Egypt at Lebanon, kung saan ang mga pagkain na pinangungunahan ng tinapay ay tinutustusan ng gobyerno. Sa Europa, ang mga opisyal ay naghahanda na sa mga potensyal na magpupuno sa kakulangan ng mga produkto mula sa Ukraine. Maaaring magsanhi ito ng mas mahal na karne at dairy products kung ang mga magsasaka ay mapipilitang magpasa ng mga gastos sa mga customer.

Ang Russia at Ukraine ang exporter ng halos isang-katlo ng trigo at barley sa mundo. Ang Ukraine ay isa ring pangunahing supplier ng mais.

Ang Ukraine at Russia ang pinanggagalingan ng 75% ng global supply ng sunflower oil na ginagamit sa food processing.

Bukod pa dito ang katotohanan na umabot na sa pinakamataas na presyo ang pagkain noong nakaraang taon dahil sa pandemya. 

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.