Breaking News: Isang Filipino kasama sa mga hostage na pinalaya ng Hamas

0
435

Kasama ang isang Pilipino at 10 Thai nationals sa mga hostage na pinalaya ng Hamas kagabi mula sa Gaza, bilang bahagi ng hiwalay na kasunduan sa pagitan ng Israel at ng Palestinian group.

Ang pagpapalaya sa isang Pilipino at mga Thai hostage ay labas ng kasunduang truce sa pagitan ng Israel at Hamas, kung saan 13 na Israel ay pinalaya kapalit ng 39 na bilanggong Palestino.

Ayon kay Majed al-Ansari kahapon, spokesperson ng foreign ministry sa Qatar na may mahalagang papel sa mediation, ang mga Thai nationals at isang Pilipino ay kasama sa kabuuang 24 na bihag na pinalaya.

Ang Pilipino at mga Thai nationals, aniya, ay “kasalukuyang papunta sa labas ng strip” kasama ang International Committee of the Red Cross (ICRC).

Hindi sila sakop ng kasunduan ng truce sa pagitan ng Hamas at Israel, at nagsara ng pulong ang Qatar at Egypt sa hiwalay na kasunduan sa Hamas para sa kanilang paglaya, ayon sa mga opisyal ng Thailand.

Ang grupo ay dinala sa Rafah at dadalin sa Karem Abu Salem crossing na tinatawag na Kerem Shalom ng Israel, sa silangan ng Rafah crossing sa pagitan ng Egypt at Gaza Strip, ayon sa Ministry of Foreign Affairs ng Thailand. Ihahatid sila sa Hatzerim Air Force base at dadalhin sa Shamir Medical Centre, sa timog-silangan ng Tel Aviv.

“Sa ngayon, hindi pa alam ang mga kasarian at mga pangalan ng Pilipino at mga Thai na ito,” ayon sa pahayag ng ministry.

Hindi pa alam ang tumpak na bilang ng Pilipinong nabihag ng Hamas noong Oktubre 7 ngunit tinatayang hindi bababa sa 23 ang nabihag na Thai workers.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.