Brig. Gen Gaces, bagong hepe ng PRO CALABARZON

0
375

Hinalo ang tatlong police officials  tatlong araw bago bumaba sa pwesto ang hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Director General Rodolfo Azurin Jr.

Pinangalanan si Police Brig. Gen. Carlito Gaces bilang bagong regional director ng PRO4A, na humalili kay Police Brig. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na itinalagang bagong pinuno ng Directorate for Comptrollership.

Saklaw ng PRO4A ang mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon (Calabarzon).

Pinalitan ni Nartatez si Police Maj. Gen. Jesus Cambay na umabot na sa mandatory retirement age na 56 nitong Miyerkules.

Papalitan naman si Gaces bilang deputy regional director ng Police Regional Office 1 sa Ilocos Region si Police Col. Antonio Marallag, Jr. 

Epektibo ang reshuffle ng tatlong senior PNP officials noong Martes. 

Si Azurin ay magreretiro sa mandatory age na 56 sa susunod na Lunes.

View Preview

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.