Bruce Willis titigil na sa pag aartista matapos ma-diagnose na may kondisyon sa utak

0
210

Titigil na sa pag aartista si Bruce Willis matapos ma- diagnosis na may aphasia, isang kondisyon na nagsasanhi ng pagkawala ng kakayahang umunawa o magsasalita, ayon sa kanyang pamilya kahapon.

Sa isang pahayag na nai-post sa page ng Instagram ni Willis, sinabi ng pamilya ng 67-taong-gulang na aktor na kamakailan lamang ay na-diagnose si Willis na may aphasia at naaapektuhan nito ang kanyang mga kakayahan sa pag-iisip.

“As a result of this and with much consideration, Bruce is stepping away from the career that has meant so much to him,” ayon sa statement na may pirma ng awasa ni  Willis na si Emma Heming Willis, ng kanyang ex-wife na si Demi Moore, at limang anak na sina  Rumer, Scout, Tallulah, Mabel at Evelyn.

“We are moving through this as a strong family unit, and wanted to bring his fans in because we know how much he means to you, as you do to him. As Bruce always says, ‘Live it up’ and together we plan to do just that,” ayon pa rin sa statement.

Maraming mga potensyal na sanhi ng aphasia. Madalas itong nangyayari pagkatapos ng stroke o pinsala sa ulo, ngunit maaari ding unti-unting nade-develop dahil sa mabagal na paglaki ng tumor sa utak o isang sakit na nagdudulot ng degenerative na pinsala, tulad ng Alzheimer’s disease. Pangunahin itong ginagamot gamit ang speech therapy at pag-aaral ng non-verbal na paraan ng komunikasyon.

Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.