TAGAYTAY CITY. Ang malupit na pagpatay sa mag-asawang Australyano na natagpuan sa Pilipinas ay posibleng may kaugnayan sa isang pangatlong babae, ayon sa pulisya.
Si David Fisk, 57, at ang kanyang de facto partner na si Lucita Cortez, 55, ay natagpuang patay sa isang kwarto ng Lake Hotel sa Tagaytay City, bandang 1:35 ng hapon noong Miyerkules.
Natagpuan din sa lugar ang katawan ng pangatlong babae na si Mary Jane Cortez, 30, manugang ni Lucita.
Ayon sa lokal na pulisya, hinahanap nila ang isang lalaking nakuhanan ng CCTV na ma takip ang mukha at pumasok sa isang hotel room gamit ang key card.
Naniniwala ang pulisya na ang suspek ay maaaring may kaugnayan kay Mary. “We are looking at that option, that issue,” sinabi ni Jean Alagos ng Tagaytay Police sa isang eksklusibong panayam sa 9News.
Ayon kay Tagaytay police chief Charles Daven Capagcuan, ang nilaslas ang lalamunan ni Fisk na naging sanhi ng kanyang pagkamatay, habang ang mga Cortez na babae ay maaaring na-suffocate gamit ang unan. Sinabi niya na ang mga patuloy na autopsy ay magpapatunay sa mga paunang indikasyon na ito.
Naglabas ng pahayag ang pamilya ni Fisk, na nakabase sa Sutherland Shire ng NSW, na nagsasabing “pray for answers and the truth in this horrific matter.” Dagdag pa ng pamilya, “The love we have for our father and Lucita is so dear and this situation is like living a nightmare.” Hiningi nila na igalang ang kanilang privacy.
Sinabi ni Capagcuan na ang motibo sa pagpatay ay hindi pad malinaw at idinagdag na ang ilang mahahalagang gamit ng mga biktima, kabilang ang kanilang mga mobile phone, ay hindi kinuha ng suspek. “We were shocked by this incident,” sinabi ni Tagaytay Mayor Abraham Tolentino, na humingi ng paumanhin sa mga pamilya ng mga biktima. “We’re very sorry to our Australian friends. We will resolve this as soon as possible.”
Ini-interview ng mga imbestigador ang mga saksi at sinusuri ang mga security camera sa hotel na maaaring makatulong sa pag-identify sa suspek o mga suspek, sinabi ni Tolentino nang walang karagdagang detalye.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.