BSP: Maaaring managot ang mga holder ng bank accounts na nakatanggap ng unauthorized fund transfers mula sa GCash

0
253

Maaring managot ang mga holder ng bank accounts na nakatanggap ng mga hindi awtorisadong fund transfers mula sa GCash kung mapapatunayan na bahagi o kasabwat sila sa phishing scheme na naiulat noong nakaraang linggo.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Felipe Medalla na ang malaking bahagi ng mga pondo na inilipat mula sa GCash accounts ay napunta sa bangko matapos matuklasan at mahuli ang phishing scheme.

“Sa kasong ito, kung ma-trace natin ang mga may-ari ng dalawang accounts na iyon, posible silang maging mga kriminal, at kahit na ginamit lang nila ang kanilang mga account, may pananagutan pa rin sila,” pahayag ni Medalla.

Hindi binanggit ni Medalla ang mga pangalan ng dalawang bangko, ngunit ang mga lokal na bangkong tulad ng Asia United Bank at East West Banking Corporation ay nag-ulat na kasalukuyang nakikipagtulungan sila sa BSP upang tugunan ang mga alalahanin hinggil dito.

“Swerte na agad na nalaman ng GCash ang lokasyon ng dalawang accounts, at hindi lahat ng ninakaw na pera ay napakinabangan. Sa katunayan, sinabi sa akin ng dalawang bangko na naibalik na ang pera sa GCash matapos maibalik nila ang nawawalang halaga,” ayon kay Medalla.

“Ayon sa GCash, ibinalik na nila lahat ng ninakaw na pera kahit na hindi kayang bayaran ng deposito kung saan napunta ang pera. Na-release na ang iba,” dagdag pa niya.

Samantala, ang GCash, na mayroong 79 milyong users, ay naka rehistro bilang isang non-bank financial institution electronic money issuer (EMI-NBMF).

Ang GXchange Inc., na namamahala sa GCash, ay isang kompanya na pag-aari ng Mynt (Globe Fintech Innovations Inc.) at kasosyo ng Globe Telecom Inc., Ayala Corp., at Ant Financial.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo