Bubuo ng task force and Comelec vs vote buying

0
147

Bubuo ang Commission on Elections (Comelec) ng task force na mag-iimbestiga sa mga alegasyon ng vote-buying.

“The Commission will be creating a Task Force that will handle reports, complaints. Definitely, the Comelec can motu proprio (on its own) investigate. The Comelec can always direct its field personnel to submit a report to us. We will have a task force for us to immediately take action,” ayon kay Commissioner George Erwin Garcia sa isang press conference sa pagtatapos ng end-to-end demonstration ng Election Day Automated Election System (AES) sa Diamond Hotel sa Maynila.

Gayunpaman, pinaalalahanan ni Garcia ang mga tao na maging maingat sa paggawa ng mga ulat tungkol sa bilihan ng boto.

“As you know, politicians can always invoke the Peñera doctrine. Technically it’s not yet the start campaign period for local candidates. We will not hesitate to prosecute those who may be involved in vote-buying. We are so serious that for this election it is necessary to equalize everything. We will punish those who will be violating the Omnibus Election Code,” dagdag niya.

Ang Peñera Doctrine ay tumutukoy sa isang mahalagang desisyon ng Korte Suprema noong 2009 kung saan pinawalang-bisa nito ang pagbabawal sa maagang pangangampanya.

Nangangahulugan ito na ang mga gastos ng mga kandidato bago magsimula ang panahon ng kampanya ay hindi saklaw ng mga alituntunin ng kampanya.

Hinimok naman ni Garcia ang mga makakasaksi sa naturang aktibidad na magsampa ng reklamo.

“Definitely regardless of the personalities involved so long as there is substantial evidence, substantial in character, we will push through with the prosecution of offenders of those who will be guilty of vote-buying,” ayon sa kanya.

Ayon sa mga ulat, nakunan ng video si reelectionist Cavite Governor Jonvic Remulla na namimigay ng mga premyong pera sa mga kalahok ng isang talent show sa UniTeam campaign rally sa Dasmariñas City.

Ipinagkibit-balikat ni Remulla ang mga alegasyon sa pagbili ng boto, at sinabing hindi pa nagsisimula ang campaign period para sa mga lokal na kandidato.

Comelec Commissioner George Erwin Garcia (Screengrab from Comelec Facebook live video)
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.