Buena manong bagyo posibleng tumama sa Eastern Visayas o Caraga ngayong Enero

0
56

MAYNILA. Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na posibleng pumasok ang isang tropical cyclone sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong Enero. Ayon sa ulat, ang naturang bagyo ay maaaring mag-landfall malapit sa Eastern Visayas o Caraga Region. Gayunpaman, sinabi rin ng PAGASA na may posibilidad na lumihis ito palayo sa bansa.

Sa kasalukuyan, apektado ang bansa ng Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at ng shear line. Ang ITCZ ​​ay nagdadala ng maulap na papawirin, kalat-kalat na mga pag-ulan, at pagkidlat-pagkulog sa ilang lugar tulad ng Visayas, Caraga, Davao Region, Palawan, Romblon, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate. Sa ibang bahagi ng Mindanao, inaasahan naman ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Samantala, ang shear line ay nagdudulot ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pulu-pulong pagkidlat-pagkulog sa mga lugar tulad ng Metro Manila, Calabarzon, Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Aurora, Bulacan, Marinduque, Oriental Mindoro, Camarines Norte, at Camarines Sur. Sa nalalabing bahagi ng Luzon, asahan ang bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog.

Bukod dito, ang Northeast Monsoon (Amihan) ay magdadala ng maulap na papawirin at mga pag-ulan sa Batanes. Ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, at Nueva Vizcaya naman ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang pag-ulan.

Patuloy na pinaaalalahanan ng PAGASA ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga update ng lagay ng panahon, lalo na kung tuluyang pumasok ang inaasahang tropical cyclone sa bansa.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.