Bulkang Taal, muling nagkaroon ng phreatic ruption

0
127

MAYNILA. Muling nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Taal kahapon, Setyembre 29, ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Lunes.

Ayon sa bulletin ng PHIVOLCS, tumagal ang pagputok ng bulkan ng halos dalawang minuto. Kasabay nito, nakapagtala ang ahensya ng 1,510 tons ng sulfur dioxide gas emissions mula sa bulkan noong Sabado. Namataan din ang upwelling o pag-angat ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.

Dagdag pa ng PHIVOLCS, nagkaroon ng moderate emission ng volcanic plumes na umabot ng hanggang 700 metro ang taas.

Sa kabila ng mga aktibidad na ito, nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal, na nangangahulugang patuloy na minomonitor ang posibleng pagtaas ng aktibidad ng bulkan.

Patuloy ang ahensya sa pagbibigay ng paalala sa mga residente at turista na manatiling alerto at iwasang pumasok sa permanent danger zone ng bulkan.

“The public is reminded to refrain from entering Taal Volcano Island, especially the Main Crater and Daang Kastila fissures, as these areas are considered high-risk zones.”

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo