Bumaba sa 3.7% ang Covid-19 positivity rate sa ilang region

0
170

Bumaba pa sa 3.7 posyento ang positivity rate o ang bilang ng mga taong nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa National Capital Region (NCR) noong Enero 14.

Ang positivity rate ng rehiyon noong nakaraang linggo, noong Enero 7, ay 5.8 porsyento.

“Low positivity rates are also observed in ten other provinces in Luzon,” ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David sa Twitter kanina.

Kabilang sa mga lalawigang ito ang Batangas, mula 4.9 porsyento sa 3.2 porsyento; Benguet mula 5.3 porsyento sa 3.6 porsyento; Bulacan mula 3.5 porsyento sa 2.3 porsyento; Cagayan mula 7 porsyento sa 3.9 porsiyento; Cavite mula 5.5 porsyento sa 3.2 porsyento; Ilocos Norte mula 4.3 porsyento sa 3.9 porsiyento; Laguna mula 7.3 porsyento sa 4.4 porsyento; Pampanga, 5.5 percent sa 2.6 percent; Pangasinan mula 4.3 porsyento sa 3.9 percent at Zambales mula 8.4 porsyento sa 4.1 porsyento.

Ang positivity rate ng Isabela ay tumaas mula 35.1 percent sa 50.2 percent na itinuturing na “very high”.

Noong Enero 15, ang nangungunang limang lugar na may pinakamaraming kaso ay kinabibilangan ng NCR na may 96 na kaso at ang mga lalawigan ng Rizal na may 16; Bohol na may 10; Cavite na may 10; Davao del Sur na may 10; at Tarlac na may 9. (DOH)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.