Bumaba sa coronavirus risk classification ng PH mula sa critical sa moderate

0
568

Bumaba ang coronavirus risk classification ng Pilipinas mula sa high/critical sa moderate, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon.

“We show a negative one-week and two-week growth rate. Ang average daily attack rate natin nasa high risk pa rin pero bumaba siya sa 19.43 cases for every 100,000 individuals,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang media briefing.

Sinabi ni Vergeire na bumaba ang national positivity rate sa 35.4 percent mula sa 46.8 percent peak noong Enero 18.

Aniya, patuloy na bumababa ang mga kaso sa Regions 3 (Central Luzon) at 4-A (Calabarzon), at Metro Manila habang sa iba rehiyon ay nakakakita pa rin ng mataas na bilang ng mga impeksyon.

“But if we look at the trends in the number of cases, especially the seven-day moving average, nagpa-plateau na. In Visayas, bumabagal na ‘yong pagtaas ng kaso sa kanila hindi na masyadong nag-a-uptick. Sa Mindanao, may mga piling lugar katulad ng Caraga at Region 12 kung saan may pagtaas ng pag-utilize ng kama so binabantayan ng maigi ito, dagdag pa niya.

Sa ngayon ay nakapagtala na ang Pilipinas ng 3,577,298 kumpirmadong kaso ng Covid-19 mula nang magsimula ang outbreak, kung saan 160,297 ang sumasailalim sa pag gagamot, 3,362,904 ang gumaling, at 54,097 ang namatay.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.