Bumalik si Sermonia sa No. 2 post ng PNP bilang OIC

0
496

Hinirang na Officer-in-Charge (OIC) ng Office of the Deputy Chief for Administration si Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang pangalawang pinakamataas na posisyon ng Philippine National Police (PNP), kapalit ni Lt. Gen. Jose Chiquito Malayo na umabot sa ang mandatory retirement age na 56 ngayong araw ng Linggo.

Si Sermonia ay hinirang na Deputy Chief for Administration noong Marso sa ilalim ng noo’y hepe ng PNP Gen. Dionardo Carlos.

Nagpatupad ng malaking reshuffle si PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ilang araw matapos ang kanyang appointment noong Agosto, at iniupo bilang chief APC sa Visayas si Sermonia.

“Sermonia, chief of the Area Police Command (APC) in the Visayas and in addition to his duties and responsibilities, is designated as OIC of the Office of the Deputy Chief of PNP for Administration effective on Sunday (October 2). Such designation shall only take effect until the designation of the new TDCA (The Deputy Chief for Administration),” batay sa order na may petsang September 30.

Sa isang press release, sinabi ni Azurin na nagrekomenda siya ng tatlong pangalan sa National Police Commission para sa “ebalwasyon, pagtatasa at sana, pag-endorso ng ating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa opisyal na pagtatalaga bilang TDCA.

Sa isang nakaraang press briefing, sinabi ni Azurin na si Sermonia ay isang “mabuting tagapagtaguyod sa pag-oorganisa at pagpapakilos sa komunidad.”

“We need somebody there to organize and bring awareness to all the different barangays in the Visayas region na pagtulong-tulongan itong problema natin sa insurgency,” ayon sa kanya. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.