Sipi ng mensahe ng anim na 2022 presidentiables na binitiwan sa kanilang proclamation rally

0
346

Naglunsad ng proclamation rally sa iba’t ibang lugar ang anim presidentiables para sa halalan sa Mayo 9. Hudyat na simula na ng 90 araw ng kanilang kampanya. Kinuha ng Tutubi News ang esensya ng kanilang mensahe upang ihatid sa mambabasa sa pag asang makakatulong ito sa pagkilala, pagkilatis at pagtitimbang sa mga political opinion at public policy proposals ng anim na kandidato sa pagka pangulo.

Leody de Guzman, Partido Lakas ng Masa

Itinuloy ni Ka Leody ang kanyang proclamation rally sa Bantayog ng mga bayani bagaman at sinabi Comelec wala siyang campaign permit. Ang proclamation rally ay tinawag na “Manggagawa Naman.” Sa kanyang talumpati, sinabi ni De Guzman na ang kanyang inspirasyon sa pakikipag agawan sa pinakamataas na pwesto sa bansa ay ang mga manggagawa at mahihirap na sinasamantala.

“Every time the media would interview me, they always ask me: “Ka Leody, where do you get the guts to run against your big contenders?” De Guzman said in Filipino. “You know what my answer is? I said, ‘from the workers and poor who are taken advantage of’ They are my inspiration. They are the reason why I keep on fighting.’

This election is a good opportunity to change the country’s politics. It should be for the masses, and we should change the economy. It should be an economy of the masses, of the people, not of the few.” 

Ping Lacson, Partido ng Demokratikong Reporma-Lapiang Manggagawa

Ipinahayag ni Senator Panfilo Lacson ng kanyang talumpati sa proclamation rally ng Partido Reporma sa Imus Grandstand sa Cavite. Hinimok niya ang mga botante na ihalal ang mga may integridad at magsisikap na iangat ang bansa, dahil nangakong tutuparin niya ang kanyang mga pangako sa pamamagitan ng mahigpit na disiplina at pamumuno sa pamamagitan leadership by example kung siya ay mananalo bilang pangulo sa pambansang halalan sa Mayo 9.

“Ang magnanakaw na ordinaryo, namimili ng kanilang nanakawan at ang kanilang nanakawin. Di ba takot tayo sa magnanakaw pag medyo ginabi tayo ng uwi, kakaba kaba tayo baka may haharang, nanakawin ang ating napag-ipunang salapi o ating alahas na suot o maski anong bagay, anong mahalagang ari-arian. Yan ang magnanakaw na ordinaryo.

Ang magnanakaw sa gobyerno wala pong pinipili yan. Walang pinipiling nanakawin. Ang ninakaw noon ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Ang ating karapatan para makatikim ng magandang edukasyon. Ang ating karapatan para sa maayos na kalusugan. Ang ating karapatan sa livelihood, sa infrastructure. Walang pinipili. Ang problema, tayo pa ang namimili sa mga magnanakaw sa atin. Bakit? Binoboto natin sila. Nakapagtataka bakit binoboto natin ang mismong magnanakaw sa atin.

Di ba dapat piliin nating mabuti? Pagdating ng May 9, hindi namin pinagpilitan ang aming sarili pero piliin natin. Kasi ang magsa-suffer, tayo. 6 na taon singkad pagsisisihan natin ang ating ginawa pag nagkamali tayo ng iboboto.”

Bongbong Marcos, Partido Federal ng Pilipinas

Idinaos ni Bongbong Marcos ang kanyang kick off sa Philippine Arena sa Bulacan. Nanawagan siya na magkaisa at sinabing “ang nais niya ay isang disenteng paraan para sa bawat Pilipino na kumita para sa kanyang pamilya at mamuhay ng marangal.”

“Ako ang pinakamapalad na presidential candidate sa aking palagay dahil ang nakasama ko bilang bise presidente ay si Mayor Sara Duterte, pinakamagaling, pinakamahusay at higit sa lahat ay may paninindigan sa kanyang mga pangarap at hangarin para sa ating bansang Pilipinas.

Doon po kami nagkasundo kaagad noong aming pinag-usapan kung ano ba ang mga pangangailangan, ano ba ang mga dapat gawin, para tayong mga Pilipino ay makabangon na sa krisis na ating pinagdadaanan, ang krisis ng pandemya at ang krisis ng ekonomiya. Siguro naman kung hindi man tayo magkasundo sa maraming bagay, sana ay magkasundo tayo sa paniniwalang kakayanin natin ito para naman kung haharap tayo sa buong mundo ay maisisigaw natin na ako ay Pilipino, taas noo kahit kanino.”

Isko Moreno, Aksyon Demokratiko

Inihudyat ni Isko Moreno ang simula ng kanyang kampanya sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila. Sinabi niya na siya ay tumatakbo para sa pinakamataas na posisyon dahil siya ay “pagod” na sa mga maling pamilyang politiko na nabigong mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.

Inialok niya ang kanyang sarili bilang isang alternatibo sa dalawang “nag-aaway na partido” na naghari sa loob ng mga dekada. Ang tinutukoy ni Domagoso ay ang mga kampo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng yumaong diktador, at Bise Presidente Leni Robredo, tagapangulo ng Liberal Party, ang partido ng yumaong pangulong Benigno S. Aquino III, anak ni Corazon Aquino.

“Ang tanong, kumusta po kayo after 39 years? Kamusta ang Pilipinas after 39 years? Sapagkat ‘yan ay isa sa mga naging dahilan kung bakit ako sumali sa halalang ito. Tutal nagbakasakali na kayo ng 39 years, ano ba naman magbakasakali kayo sa akin ng six years.

“To energize our bureaucracy, I will be inviting millennials to join their government so they can put their talents in the service of their fellow countrymen.While ours will be a government of reconstruction, it will also be a government of national reconciliation based on justice and rule of law.”

Manny Pacquiao, PDP-Laban

Si Manny Pacquiao, isang world champion na naging pulitiko ay naglunsad ng kanyang 2022 presidential campaign nakasentro sa paglaban sa katiwalian at kahirapan sa kanyang bayan na General Santos City.

Si Pacquiao ay naniniwala na dapat niyang palitan si Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng bansa dahil alam niya kung ano ang pakiramdam ng pagiging mahirap.

“By the grace of God, sisiguraduhin ko ang bawat isa sa inyo, ang bawat Pilipino, panalo sa laban ni Manny Pacquiao. Sisiguraduhin ko ang bawat Pilipino may trabaho at hinahanap ng trabaho at sisiguraduhin ko sa inyo na walang mahirap na inaagrabyado at inaapi.”

Leni Robredo, Independent

Bumalik si Leni Robredo sa kanyang pinagmulan sa Naga at doon inilunsad ang kanyang kampanya para sa pagkapangulo. Sa kanyang talumpati sa Plaza Quezon sa kanyang proclamation rally, nangako si Robredo na dadalhin niya ang “tsinelas” leadership sa buong bansa.

“Dito natin sa Bicol piniling ilunsad ang susunod na yugto ng ating laban. Dito, kung saan ako isinilang at lumaki; kung saan nahubog ang prinsipyo at paniniwala  ko, hindi lang ng mga natutuhan sa eskuwela, kundi ng harapang pakikisalamuha sa inyo. Dito ko sa Naga nakita na ang luma at bulok na klase ng pulitika, kayang talunin ng matino, mahusay, masipag, at makataong pamamahala. Hindi ako natatakot. Hindi ako kinakabahan, dahil nang tinawag ko kayong gisingin ang natutulog pang lakas, buong-buo ang naging tugon ninyo.”

Hindi ako natatakot. Hindi ako kinakabahan. Dahil nang tinawag ko kayong gisingin ang natutulog pang lakas, buong-buo ang naging tugon ninyo: Tumulong kayo sa nangangailangan, pinakain ang nagugutom, nagbigay-lingap sa nasalanta at may sakit, nakinig sa kuwento ng bawat Pilipinong dumadaing at naghahanap ng kasangga sa kanilang mga suliranin.” 

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.