Buong NegOr PNP sinibak ni Abalos

0
175

Iniutos na ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na palitan ang lahat ng tauhan ng pulisya sa Negros Oriental kasunod ng pagpaslang kay Governor Roel Degamo.

“As per my instruction, lahat ng police personnel sa Bayawan City at iba pang local government units sa Negros Oriental ay papalitan,” ani Abalos sa kanyang Facebook post.

Pinadala ni Abalos si deputy chief for administration ng Philippine National Police (PNP) Police Lieutenant General Rhodel Sermonia sa Bayawan City upang ipatupad ang kanyang direktiba.

“As per his latest update, General Sermonia has completed the turnover of the Bayawan City police chief and the changing of all police personnel,” ani Abalos.

Si Police Lieutenant Colonel Stephen Amamaguid mula sa Cebu ang hepe ngayon ng Bayawan City Police Station, kapalit ni Police Lieutenant Colonel Rex Aboy Moslares.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang hindi bababa sa apat na suspek sa pagpatay kay Degamo, bukod ang isa pa ang napatay sa hot pursuit operations habang nasa lima pang mga suspek ang tinutugis.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.