Bus driver patay, 9 sugatan sa aksidente sa Quezon

0
300

PAGBILAO, Quezon. Isang aksidente ang naganap sa Maharlika Highway sa Pagbilao, Quezon, kung saan namatay ang drayber ng isang bus na patungong Bicol habang sugatan naman ang siyam na iba pa.

Batay sa ulat ng Quezon police, naganap ang aksidente pasado alas-10:30 ng gabi nitong Martes, Abril 9, nang magkamali ng kalkulasyon sa pakurbang bahagi ng kalsada si “Manuel,” ang drayber ng DLTB bus.

Ang bus ay bumangga sa dalawang bahay sa tabi ng kalsada, isang puno ng mangga, motorsiklo, tricycle, at kable ng kuryente, na nagdulot ng seryosong pinsala.

Malubhang sugat ang tinamo ng drayber na agad niyang ikinamatay habang walong pasahero at isa sa mga binanggang bahay ay nasugatan.

Ayon sa pahayag ng pulisya, bukas pa rin ang imbestigasyon HINGGIL sa aksidente at wala pang opisyal na pahayag hinggil sa mga pananagutan ng mga sangkot.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.