Buto at damit narekober sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng nawawalang sabungero

0
506

LAUREL, Batangas. Nakarekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang karagdagang mga labi kabilang ang dalawang bungo ng tao, mga ngipin at personal na gamit sa nagpapatuloy na search and retrieval operations sa Taal Lake kaugnay sa kaso ng nawawalang mga sabungero, ayon sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.

Ayon kay DOJ Assistant Secretary Mico Clavano, kabilang sa mga natagpuan mula Hulyo 29 hanggang Agosto 4 ay dalawang bungo, isa na may kumpletong ngipin, buhok, gula-gulanit na damit, tsinelas, t-shirt, brief ng lalaki, pantalon at iba pang gamit. Naniniwala ang DOJ na ang mga ngipin na buo pa ay maaaring i-match sa dental records ng mga nawawalang sabungero at magamit din sa DNA testing gamit ang samples mula sa kanilang mga kaanak.

Kasabay nito, humingi na ng tulong ang DOJ sa University of the Philippines Pathology and Anthropology Department, sa tulong ng forensic expert na si Dr. Raquel Fortun, at sa mga eksperto mula sa Japan upang masuri ang mga labi na pinaniniwalaang may kaugnayan sa kaso.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.