Buwan ng mga Bata 2021, ipinagdiriwang ngayong Nobyembre

0
785

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Nobyembre ang National Children’s Month. Sa taong ito, nakasentro ang selebrasyon sa temang “New Normal na Walang Iwanan: Karapatan ng Bawat Bata Ating Tutukan!”

“Isa ang karapatan ng mga kabataan sa mga dapat itaguyod at tutukan sa gitna ng mga pagsubok at suliranin na ating kinakaharap sa kasalukuyan, kung kaya’t ang Presidential Commission for the Urban Poor ay nanawagan ng isang protektado at ligtas na buhay laban sa anumang uri ng karahasan at pang-aabuso,” ayon kay Alvin Feliciano, chairperson ng Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP).

Kaugnay nito ay bumabati ang PCUP ng “Maligayang Children’s Month” sa lahat.

Ang National Children’s Month ay itataguyod ng Department of Social Welfare and Development.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.