I can’t accept—because it’s paradoxical—the claim that the Filipino language is an instrument of unity. I would even venture to say that the duo (so-called UniTeam) of political giants Marcos and Duterte has unified many Filipinos to trust in the unknown, or how they used to call it. The joining of forces between the two dynastic clans was questionable in many respects, so it was unlikely to bring unity to the people; in fact, the exact opposite has occurred. The duo has further confused politics, which has shocked many of their supporters, while critics have expected it.
Nagamit ang wika para maluklok sila, ngunit nganga kinalaunan ang mga tao. Hindi lang sa nauwi sa wala ang “plataporma” ng pagkakaisa, kundi lumala ang pamumulitika ng dalawa laban sa isa’t isa.
Ginulantang ang madla ng nakabidyong pagmumura at pagtatangkang pagpatay—bagama’t kalauna’y may pagtanggi si VP Sara Duterte—laban sa kabiyak pampulitika, sa asawa niya at sa pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Sa marahas na tabil ng dila ng minsa’y nanuntok ng sheriff, hindi natakot ang mga tao. Nalungkot sila. Saan hahantong ang batuhan ng putik ang isa sa mahahalagang tanong, ngunit tuluyang kinalimutan ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang pagkakaisa. Tunay nga bang may pagkakaisa sa wika? Masdan ang ginawa ng UniTeam.
Pinakahuling kontrobersyang pang-lengguwahe—salamat kay Chiz—ang “agad-agad” na “forthwith” o “immediately” ang pakahulugan sa Inggles, saan tayo dinala? Pinangunahan niya ang Senado sa kung kailan sila available talakayin ang may kinalaman sa accountability ng impeached official. Hindi ito sakto sa selebrasyon ‘pagkat may umuungol sa ilalim ng “Buwan.”
So the thought that the Filipino language is the unifier of this nation? Perish it.
Resources can rather be directed towards local initiatives, with their respective languages playing a role in agricultural innovation, small-and-medium enterprises, health literacy, and other practical courses of action. These can focus on people’s lives that truly matter, which languages seek to understand.
Mga katutubong wika, Filipino, at realidad ng pulitika
Sa tala ng KWF (may Filipinong bigkas na “key, dobolyu, ef” pero Komisyon sa Wikang Filipino ang kahulugan), mayroon tayong 135 katutubong wika, kasama ang wikang Filipino na dapat nating paunlarin at pangalagaan. 28 milyong Pilipino ang nagsasalita ng Filipino bilang pangunahing wika at 45 milyong Pilipino naman ang gumagamit nito bilang pangalawang wika.
Meron silang Buwan ng Wika (Language Month), isang pagdiriwang na naglalayong itaguyod ang pambansang pagkakaisa, pagmamalaki sa Filipino at mga katutubong wika, at pagkilala sa magkakaibang pamana ng wika ng bansa. Gayunpaman, ang mga komplikasyon sa wika, pagkakakilanlan, at kapangyarihan ay humahadlang sa pagkamit ng mga adhikain nito.
Ang wika, bagama’t nilayon upang ikonekta ang mga tao, ay maaari ding manipulahin para sa kontrol sa pulitika at lipunan, gaya noong panahon ng diktadurang Marcos at sa mga kaganapan tulad ng pagpaslang kay Ninoy Aquino. Ang Cebuanong pariralang “Pusila, pusila” (“shoot”) ay naglalarawan kung paano maaaring maging sandata ang wika, lalo na sa mga sandali ng mapulitikang tensyon.
Ang wika, tulad ng nakikita sa maraming bansa, ay gumaganap ng isang kritikal na papel sa pagbuo ng pagkakakilanlan, ngunit maaari rin itong magsilbi bilang isang kasangkapan ng pang-aapi. Ang opisyal na wikang Filipino ay idinisenyo upang pag-isahin ang pagkakaiba-iba ng wika ng bansa ngunit kadalasang ginagamit upang magpataw ng otoridad. May mga panahong napulitika mismo ang wika para sugpuin ang hindi pagsang-ayon at kontrolin ang damdamin ng publiko.
Binangon nito ang mahalagang tanong: Kung hindi makamit ng Linggo na kalauna’y Buwan ng Wika ang layunin nitong pag-iisa, panahon na bang mas paghusayin ang pagggamit ng mga yaman ng bansa para sa mas matitinding isyu tulad ng edukasyon (pagpapahusay ng bilingual literacy), kalusugan (pagpapalaganap ng impormasyong pangkalusugan), paggawa (pagpapaintindi sa Labor Code, mga manual, at desisyon ng hukuman, usaping pang-underemployment at migration), at agrikultura?
Ang huli kong nabanggit na sektor ay nag-aalok ng pagkakataon para sa wika at kultura na bumalandra sa pambansang patakaran at estratehiya. Doon sana makapang-impluwensiya ang Filipino kapag winiwika ito.
Marcoses, Dutertes, and other political figures have cunningly used language (how truly Tausug-strong are they when they conduct “maisug” rallies?) to unify people, but once in power, their in/actions completely reverse their election campaign promises. “Budol” is the right word but that does not essentially change voter attitude, never mind the missed vows of the winning candidates.
Kampay sa tagumpay ng retorika ng umano’y pagkakaisa!
“Balakajan” (social media slang for bahala ka diyan) yata ang ibig ipahiwatig ng kawalang imik noon ni Sara Duterte sa pangako ng ka-tandem na P20 kilo ng bigas na malayong malayo sa realidad ng dalawang dekadang nakalilipas, lalo na sa panahon ngayon sa merkado.
Ibig sabihin pala, wika rin ang nagbubukldod sa mga maykapangyarihan na mambudol. Sa wika rin makikini-kinita ang kawalang paki ng mga tao (maliban sa tila namumulat na mga Botanteng Gen Z at Milenyal): “pare-pareho lang ang mga pulitiko”; “wala tayong magagawa,”; “magnanakaw pero matulungin”; at “nalalapitan naman.”
Filipino, English, and other languages must become more than a political tool for manipulation. Instead of focusing solely on Buwan ng Wika, the KWF could promote initiatives that directly address social and economic needs with the help of other government agencies, private sector, and civil society. Carry out bilingual education programs and sustain dialogues that foster active participation of rural people and the urban poor in decision-making. Communicate health information, inspire more health advocates—and of course, less Ralph Rectos in PhilHealth endeavors, please. Enough of “ForthWeed” in the Senate leadership, too.
Asal ‘pag may ‘Buwan’
Bagama’t ang Buwan ng Wika ay madalas na nagbibigay-inspirasyon sa isang pakiramdam ng pagiging makabayan at kultural na pagmamalaki, ang mga epekto nito sa pang-araw-araw na buhay ay maaaring panandalian. Maaaring ipakita ang pagmamalaki ng Pilipino sa mga pagbigkas o pagtatanghal ng tula, ngunit pagkatapos ng pagdiriwang, maaaring umurong ang wika at kultura sa tabing sa likod. Ang mababaw na pakikipag-ugnayan na ito sa wika ay kaibahan sa mas malalim na pangangailangan ng mamamayang Pilipino, na patuloy na nahaharap sa mga isyu tulad ng kahirapan, katiwalian, at di-pagkakapantay-pantay.
Sa okasyong hatid ng Proklamasyon Blg. 1041 s. 1997 ating ikintal sa kaibuturan ng ating mga puso na may aksyon at may misyon sa proklamasyon. Huwag tayong pangunahan ng mga pulitikong puro ilusyon.

DC Alviar
Professor DC Alviar is a tenured associate professor at National University (NU) Manila and a steering committee member of the Philippine International Studies Organization (PHISO). He has contributed to NU's community extension initiatives that introduced the five disciplines of a learning organization (Senge, 1990) to communities within a local government unit. He writes and edits local reports for Mega Scene. He graduated with Master of Development Communication (MDC) and Doctor of Communication (DComm) degrees from the University of the Philippines (UP) Open University in Los Baños and was awarded with a Commission on Higher Education (CHED) SIKAP grant. He previously served as editor-in-chief of The Adamson News and his high school publication Ang Ugat.





