Buy and sell agent, patay sa riding-in-tandem hitmen

0
432

Calamba City, Laguna. Patay ang isang buy and sell agent matapos tambangan ang sinasakyan niyang tricycle kaninang madaling araw sa Brgy. 6, lungsod na ito

Ayon sa ulat ni PCol. Arnel L. Pagulayan, hepe ng Calamba City Police Station, sakay ng tricycle ang biktimang si Virgilio Landicho patungo sa Crossing ng tambangan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga lalaki na sakay ng motorsiklo.

Batay paunang imbestigasyon ng pulisya, nakasakay ang biktima sa tricycle na minamaneho ng isang nagngangalang Arjay Mercado at patungo sa isang Bakery sa panulukan ng Calamba commercial district. Pagtapat sa harapan ng isang bangko nakita umano ng driver ang isang lalaki na inakalang niyang tatawid sa daan ngunit nagulat siya ng bigla itong bumunot ng baril pagbabarilin ang pasahero niya.

Ayon pa rin sa salaysay ng driver ng tricycle, nakababa pa ang biktima at tumakbo ngunit hinabol ito ng mga salarin at tinulyan ng patayin.

Tumakas ang mga suspek sakay ng kanilang motorsiklo. Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng di pa malamang kalibre ng baril.

Inaalam pa ng Calamba police office ang pagkakakilanlan ng mga suspects at angsng motibo sa pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.