Calamba LGU naghandog ng 7 sasakyan at 4 na motorsiklo sa Calamba PNP

0
247

Calamba City, Laguna. Pinagkalooban ng Calamba Local Government Unit sa pamumuno ni Mayor Roseller H. Rizal ang 7 sasakyan at apat na motorsiklo ang Calamba PNP kahapon, Pebrero 8, 2023.

“Ito ay bahagi ng Calambagong programa ng lungsod upang magamit ng ating mga kapulisan sa paglilingkod, pagbibigay ng protection sa ating mga kababayan dito sa ating lungsod,” ayon sa mensahe ni Rizal.

Nangako naman si Regional Director ng PRO CALABARZON Police BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., na susuklian nila ito ng serbisyo sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kaligtasan at katahimikan para sa buong siyudad.

 “Trully we are in depth to the city of Calamba headed by Mayor Roseller H. Rizal for this donation.  Ito na ang pinaka malaking donasyon na natanggap ng PNP Region 4A na mga sasakyan sa isang syudad maging sa buong probinsya,” ayon kay Nartatez.. 

Nangako din si PCol Glenn Silvio, direktor ng Laguna Provincial Police Office sa patuloy na pagsuporta sa Calamba sa pamamagitan ng pagpapatupad ng kaayusan at katahimikan hindi lamang sa ng lungsod ng Calamba ngunit sa buong lalawigan ng Laguna.

Nagpaabot ng pasasalamat si LtCol. Melany Martinez hepe ng Calamba City Police Station kay Mayor Ross Rizal dahil sa patuloy na pagbibigay nito ng suporta sa mga programang pangkapayapaan at kaayusan. “Ang mga sasakyang kaloob mula kay Mayor Rizal ay magbibigay inspirasyon na lalong maging visible kami sa buong syudad<” ayon sa kanya.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.