Calamba – Lucena – Calamba line, muling inilunsad ng PNR

0
257

Muling binuksan ng Philippine National Railways (PNR) nitong Huwebes, Oktubre 6, ang linyang Calamba – Lucena – Calamba na dadaan sa mga lalawigan ng Laguna at Quezon.

Ang unang biyahe ng muling inilunsad na rutang Calamba – Lucena ay umalis sa Calamba Station dakong 6:30 PM, ilang oras matapos masaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa apat na North – South Commuter Railway (NSCR) projects.

Ang muling binuksang linyang ito ay handa na ngayong magsilbi sa mga commuter mula sa Calamba, San Pablo, at Lucena.

Bukod sa kaginhawaan na maibibigay nito sa mga commuters, ang nabanggit na linya ay inaasahang magkakaroon ng mas maikling oras ng paglalakbay mula Lucena, San Pablo, at Calamba, at pabalik.

Ang byahe sa umaga mula sa Lucena station ay aalis ng 4:50 AM, habang ang huling biyahe mula sa Calamba ay sa 6:30 PM.

Ang haba oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang Calamba ay dalawang oras at 33 minuto. Habang ang oras ng pagtakbo mula Lucena hanggang San Pablo ay isang oras at 32 minuto.

Ang minimum na pamasahe mula Lucena hanggang San Pablo ay nagkakahalaga ng PhP 15.00, habang ang minimum na pamasahe mula Lucena hanggang Calamba ay nasa PhP 20.00.

Ang muling binuksang linya ay mag-aalok ng siyam na flag makeshift stops sa kahabaan ng Pansol, Masili, Los Banos, College, IRRI, Tiaong (Lalig), Candelaria, Lutucan, at Sariaya. Samantala, ang mga pangunahing istasyon ay matatagpuan sa Lucena, San Pablo, at Calamba.

Sinabi ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime J. Bautista na ang proyektong ito ay hindi lamang magbibigay ng oportunidad para sa turismo, kundi maging sa mas mabilis na travel time options para sa mga pasahero sa pagitan ng mga lalawigan.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.