MAYNILA. Inanunsyo ng Vatican City noong Linggo, Oktubre 6, na si Bishop Pablo Virgilio David ng Caloocan ay itatalaga bilang cardinal ng Catholic Church ni Pope Francis sa darating na Disyembre 8, 2024.
Si Bishop David, na nagsilbing pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ay kabilang sa 21 bagong cardinal na pipiliin sa isang consistory, isang seremonya ng pagtalaga, na gaganapin sa Vatican. Siya ang ika-sampung Pilipino na tatanggap ng ganitong prestihiyosong posisyon.
Ayon sa mga alituntunin ng Simbahang Katolika, ang mga cardinal ay itinuturing na pangalawa sa pinakamataas na ranggo kasunod ng Santo Papa at nagsisilbing malalapit na tagapayo ng Holy See.
Narito ang kumpletong listahan ng mga Cardinal-elect na kasama ni Bishop David:
- H.E. Msgr. Angelo Acerbi, Apostolic Nuncio
- H.E. Mgr. Carlos Gustavo CASTILLO MATTASOGLIO, Archbishop of Lima (Peru)
- H.E. Msgr. Vicente BOKALIC IGLIC C.M., Archbishop of Santiago del Estero (Argentina)
- H.E. Msgr. Luis Gerardo CABRERA HERRERA, O.F.M., Archbishop of Guayaquil (Ecuador)
- H.E. Msgr. Fernando Natalio CHOMALÍ GARIB, Archbishop of Santiago de Chile (Chile)
- Archbishop Tarcisio Isao KIKUCHI, S.V.D., Archbishop of Tokyo (Japan)
- H.E. Msgr. Pablo Virgilio SIONGCO DAVID, Bishop of Kalookan (Philippines)
- H.E. Msgr. Ladislav NEMET, S.V.D., Archbishop of Beograd-Smederevo (Serbia)
- H.E. Msgr. Jaime SPENGLER, O.F.M., Archbishop of Porto Alegre (Brazil)
- H.E. Mgr Ignace BESSI DOGBO, Archbishop of Abidjan (Ivory Coast)
- H.E. Mgr Jean-Paul VESCO, O.P., Archbishop of Alger (Algeria)
- H.E. Mgr. Paskalis Bruno SYUKUR, O.F.M., Bishop of Bogor (Indonesia)
- H. E. Msgr. Dominique Joseph MATHIEU, O.F.M. Conv., Archbishop of Tehran Ispahan (Iran)
- H.E. Msgr. Roberto REPOLE, Archbishop of Turin (Italy)
- H.E. Msgr. Baldassare REINA, Auxiliary Bishop of Rome
- H.E. Msgr. Francis LEO, Archbishop of Toronto (Canada)
- H.E. Msgr. Rolandas MAKRICKAS, Archpriest Coadjutor Papal Basilica of St. Mary Major
- H.E. Mgr Mykola BYCHOK, C.S.R., Bishop of the Eparchy Saints Peter and Paul of Melbourne of the Ukrainians
- R.P. Timothy Peter Joseph RADCLIFFE, OP, theologian
- R. P. Fabio BAGGIO, C.S., Under Secretary, Migrants and Refugees Section, Dicastery for the Service of Integral Human Development
- Mgr George Jacob KOOVAKAD, Official of the Secretary of State, Responsible for Travel
Si Bishop David ay naging pari ng Archdiocese of San Fernando noong 1983 at naitalaga bilang auxiliary bishop ng parehong diyosesis noong 2006. Noong 2015, inilipat siya sa Diocese of Caloocan, kung saan siya nagsilbi nang buong puso.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo