Camp Vicente Lim Press Corps, nagtaguyod ng medical at dental mission

0
368

CALAMBA CITY, Laguna. Ginanap ang medical at dental mission sa Camp Vicente Lim covered court sa temang “Maayos na Kalusugan, Ngayong Kapaskuhan,” na itinaguyod ng Camp Vicente Lim Press Corps (CVLPC) sa pangunguna ng pangulo nito na si Daniel Castro.

Nagpasalamat si Castro sa mga kasamahan at opisyal na nagbigay suporta mula sa pagpaplano hanggang sa pagpapatupad ng proyekto. Aniya, “Buong suporta ang ibinigay ng mga opisyal at lahat ng miyembro ng CVLPC.”

Binigyang-pugay si Castro kay Police Regional Office 4-A, sa pamumuno ni PBGEN Paul Kenneth T. Lucas, at kay PLTCOL Chitadel Gaoiran sa pagpili ng Camp Vicente Lim na maging venue ng proyektyo. Kasama sa mga major partners ang Philippine Red Cross Laguna Chapter, Lingap Leads Foundation, Tooth Family at 402ndA MC RMFB 4A at RMDU 4A na nagbigay-tulong at sumuporta.

Sa mensahe ni PBGen. Lucas na ipinihatid ni PLTCOL Gaoiran, nagpasalamat siya sa pamunuan ang mga kasapi ng CVLPC sa kanilang dedikasyon na makatulong sa pamamagitan ng medical at dental services projects. “Ang inyong pagdalo ay nagpapakita na ang miyembro ng media at ang kapulisan ay may mabuting ugnayan hindi lamang sa pagsugpo ng kriminalidad kundi maging sa adhikaing makatulong sa ating mga mamamayan,” ayon sa mensahe.

Dagdag pa ni PBGen. Lucas, “Ang pagkakaroon ng malusog na pangangatawan ay ang isa sa pinakamagandang regalo na ating natanggap sa taong ito. Kaya tunay na ‘Health is Wealth!'”

Hinikayat niya ang patuloy na suporta sa mga programa ng Philippine National Police at ang pagtutulungan ng lahat para sa kapayapaan at kaunlaran ng bansa.

“Makakaasa ang taong bayan, na ang Police Regional Office 4A at ang Camp Vicente Lim Press Corps ay handang maglingkod at sumuporta sa ikabubuti ng mga mamamayan hindi lamang SA Brgy. Mayapa, kundi sa buong nasasakupan ng CALABARZON,” ang pagtatapos ng heneral.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.