Campaign manager ng kilalang pulitiko sa Batangas, patay sa baril

0
786

Tuy, Batangas. Binaril at napatay ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki ang isang diumano ay campaign manager ng kilalang pulitiko bandang 10:00, kagabi sa Brgy. Acle, bayang ito.

Ang biktima na kinilala ng mga tauhan ng Tuy Police Station na si Nomer Alipustahin, 52 anyos ay pinuntahan ng mga suspek sa kanyang bahay kung saan siya ay pinagbabaril, ayon sa report. 

Ayon sa mga nakakita, diumano ay bumaba ang dalawang lalaking lulan ng isang motorsiklo sa tapat ng bahay ni Alipustahin at pinasok ang biktima. Matapos anila ang sunod sunod na putok ng baril ay nakita nilang lumabas sa bahay ng biktima ang dalawang lalaki at tumakas sakay sa motorsiklo.

Nakuha ng mga pulis sa lugar ng krimen ang 14 na basyo ng balang kalibre 45 at 9mm.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo ng pagpatay.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.