Campaign posters sa mga puno, binaklas ng DENR Calabarzon

0
534

Calamba City, Laguna. Inatasan ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nilo B. Tamoria ang lahat ng Provincial Environment and Natural Resources Offices (PENRO) at Community Environment and Natural Offices (CENRO) sa loob ng rehiyon na tanggalin ang mga materyales sa halalan na ipinaskil ng mga kandidato, bilang pagsunod sa direktiba ni DENR Acting Secretary Jim O. Sampulna.

Sa ilalim ng Seksyon 9 ng Republic Act No. 9006 o ang  “Fair Election Act of 2001, sinasabi na “in no instance shall an Election Officer designate as common poster areas any trees, plants, shrubs, located along public roads, in plazas, parks, school premises or any public grounds.” Sa Section 3 of the Presidential Decree No. 953 dated July 6, 1976 ay isinasaad na “ang sinumang tao na pumutol, sumisira, puminsala o manakit ng anumang uri ng puno ay papatawan ng anim (6) na buwan hanggang 2 taong pagkakakulong o multa na Php 500.00 hanggang Php 5,000.00”.

Nagsagawa ng Operation Baklas ang PENRO Laguna noong Pebrero 22-26, 2022 sa mga lungsod ng Biñan, Cabuyao at Calamba sa pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang LGU, COMELEC at PNP. Nagsagawa din ng operasyon ang CENRO Sta.Cruz, Laguna noong Abril 23, 2022.

Nagbaklas naman ang Batangas, CENRO Lipa noong Pebrero 26, 2022 at Abril 21, 2022 sa loob ng mga lugar na nasasakupan nito. Mahigit 2500 piraso ng campaign materials ang inalis. KAsabay nito ay nagsagawa rin ng operasyon ang CENRO Calaca noong Pebrero 26 at 28, 2022 sa loob ng mga munisipalidad ng Agoncillo, Sta. Teresita, Taal, Nasugbu, Lian, Lemery, San Nicolas, Tuy, Balayan at Calaca na nagresulta sa pagtanggal ng humigit-kumulang 1000 piraso ng mga campaign materials na aka-post sa mga iligal na lugar.

Sa pangunguna ng PENRO Cavite isinagawa ang operasyon sa Ternate at Gen. Trias, Cavite sa malapit na pakikipag-ugnayan sa mga LGU noong Abril 13, 2022. Ang mga campaign materials ay ibabalik sa mga lokal na barangay upang ito ay maipaskil pa rin sa mga itinalagang lugar lamang.

Nagtanggal naman ang PENRO Rizal, noong Abril 20-21, 2022 sa mga puno sa kahabaan ng Marilaque Road, Brgy. San Jose, Antipolo City at Manila East Road, Brgy. Lagundi, Morong, Rizal. Ipinaalam din nila ang mga kandidato sa pulitika na payuhan ang mga tagasunod at tagasuporta na itigil na ang pagpapako ng mga campaign materials sa mga puno. Pinaalalahanan din sila sa mga umiiral na alituntunin at regulasyon. Ang nasabing tanggapan ay nagsagawa ng ikatlong operasyon noong Abril 26, 2022 sa Antipolo City at Taytay, Rizal, kung saan, 221 piraso ng campaign materials ang naalis.

Nagsagawa rin ng joint operation ang PENRO Quezon kasama ang CENRO Tayabas na nagtanggal ng kabuuang 1,335 campaign materials na nakapako o nakatali sa mga puno noong Abril 21, 2022 sa mga kalsada ng Barangay Lakawan, Ibabang Alsam, Lawigue, Kanlurang Palale, at Ibabang Palale sa Tayabas City. Inatasan din ang mga team leaders ng Patrol Sectors sa ilalim ng CENRO Tayabas na magsagawa ng mga katulad na aktibidad sa loob ng kani-kanilang mga lugar na nasasakupan. Inalis ng CENRO Catanauan ang mga campaign materials sa loob ng AOR nito noong Marso 25, 2022 sa pakikipag-ugnayan sa DILG, PNP, at COMELEC.

Ang mga katulad na aktibidad ay isinagawa ng CENRO Catanauan noong Abril 23, 2022 sa kahabaan ng national highway ng Catanauan, Quezon na nag-aalis ng 2.0 kilo ng campaign materials. Bukod dito, ang sabay-sabay na ‘Oplan Baklas’ ay isinagawa ng CENRO Real kasama ang COMELEC at PNP sa loob ng mga munisipalidad ng Real, General Nakar at Infanta, Quezon sa nasabing petsa. Noong Abril 26, 2022, nagsagawa ng operasyon ang CENRO Calauag, Quezon sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Calauag, Quezon.

Ang DENR CALABARZON sa pamamagitan ng mga PENRO at CENRO nito ay patuloy na nag-aalis ng mga campaign materials na ilegal na naka-post upang maimulat ang mga umiiral na batas, tuntunin at regulasyon sa kapaligiran.

Inaanyayahan din ng rehiyonal na departamento ang publiko na iulat ang mga iligal na posting sa mga hotline numbers nito na 0561825774 at 09198744369, at opisyal na Facebook page na @DENR4AOfficial, at Instagram at Twitter accounts na @denrkalabarzon.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.