Car wash attendang nahulihan ng baril sa Laguna

0
240

Sta. Cruz, Laguna. Arestado ang isang car wash attendant matapos mahulihan ng baril sa isang follow-up operation ng Cabuyao City Police Station (CPS) kahapon.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G, Silvio, Acting Provincial Director, Laguna PPO ang suspek na si alyas Dominic, residente ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng Cabuyao CPS sa pamumuno ni Officer-In-Charge Plt. Col. Jack E. Angog, nagsagawa sila ng follow up operation matapos makatanggap ng tawag mula sa isang conceredn citizen na nagresulta sa pagka aresto sa suspek matapos matiyak na naglalaman ng short firearm ang kanyang bag.

Nakumpiska sa suspek ang isang Taurus 9MM, isang  magazine, apat na pirasong 9MM live ammunition.

Kasalukuyan nasa kustodiya ng Cabuyao CPS ang suspek at nakatakdang humarap sa kasong kriminal at paglabag sa RA 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.

Ayon sa pahayag ni PCOL Silvio “Mas lalo pa naming papaigtingin ang aming operasyon kontra loose firearms kaya nais ko po na tayo ay magtulungan para mapanatili natin ang kaayusan at kapayapaan dito sa lalawigan ng Laguna.”

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.