Caretaker ng Basketball court sinasaksak matapos manita ng umiihi

0
278

Antipolo City, Rizal. Sinaksak at kasalukuyang nasa kritikal na kalagayan ang isang lalaking dahil nanita ng umiihing lasing sa basketball court sa  Barangay San Isidro, bayang ito kahapon.

Kinilala ni Antipolo Municipal Police Station Chief PCol. John Paulo Abrazaldo ang biktima na si  Raymond Madarang, may-asawa at caretaker ng basketball court na pinangyarihan ng insidente.

Kinilalang naman ang suspek na si Rommel Genetia, 32 anyos na residente ng Poblacion, Antipolo.

Ayon sa report ni PCol. Abrazaldo, sinita ng biktima ang suspek habang umiihi sa loob nag basketball court. Diumano ay napahiya ito kaya umalis agad ngunit nagtangkang babalik. Makalipas ang kalahating oras, nagbalik nga ang suspek at hinabol ng saksak ang biktima, ayon sa salaysay ng mga nakasaksi.

Dinakip ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang suspek habang ang biktima ay dinala sa East Avenue Medical Center at kasalukuyan pang nasa kritikal na kondisyon.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.