Cargo ship sumadsad sa Mindoro, 14 na tripulante nasagip ng PCG

0
420

Calapan City, Oriental Mindoro. Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) kahapon ng umaga ang labing-apat na tripulante ng isang cargo vessel na sumadsad noong Linggo ng gabi sa Occidental Mindoro.

Ayon post ng PCG sa social media, sinabi ng PCG-Occidental Mindoro na natagpuan ang mga tripulante ng M/V Manfel V sa tubig humigit-kumulang 110 metro mula sa baybayin ng Barangay Maligaya sa bayan ng Lubang.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, nagkaroon ng engine trouble ang barko bandang alas-9 ng umaga noong Sabado sa labas ng Fortune Island habang patungo sa Bauan, Batangas mula Subic, Zambales. Naanod ito patungo sa Lubang Island hanggang sa sumadsad sa mga corals.

“MV Manfel V is a general cargo vessel with 498.72 gross tonnage skippered by Captain Radie Brillante and operated by Manfel Cargo Shipping based with business address at Taguig City,” ayon sa ulat ng PCG.

Lahat ng 14 na tripulante na nasagip ay dinala sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at sumailalim sa medical check-up at antigen test.

“Fortunately, they were all in good physical and health condition. As of now, all 14 crews onboard are in the custody of PCG substation-Lubang for further inquiry,” dagdag ng ulat.

Patuloy na sinusubaybayan ng PCG-Station Occidental Mindoro ang grounded vessel upang suriin ang anumang senyales ng oil spillage at pinayuhan ang master ng isang vessel na maghain ng marine protest sa loob ng 24 na oras. Ang mga miyembro ng responding team ay dapat mag-assess ng anumang pinsala sa marine environment na natamo dahil sa pag sadsad ng barko, ayon pa rin sa report.

RESCUED. Nasagip ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 14 na tripulante matapos sumadsad ang kanilang cargo vessel sa Lubang Island sa Occidental Mindoro noong Linggo, Pebrero 26.
Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo