Carnapper na rank 5 MWP arestado sa Laguna

0
201

Sta. Rosa, Laguna. Arestado ang Rank no. 5 most wanted person City Level sa inahaing warrant of arrest ng Sta. Rosa City Police Police (CPS) sa lungsod na ito.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn G. Silvio, Officer-In-Charge, Laguna Provincial Police Office ang akusado na si Gian Kennedy Cantera Gonzales, 19 anyos, isang bodegero at residente ng Brgy. Tagapo, Sta. Rosa City, Laguna.

Nahaharap ang nasabing akusado sa kasong RA 10883 o ang “the New Anti-Carnapping Act of 2016” na walang nirerekomendang piyansa.

Ayon sa Sta. Rosa City Police Station ang akusado ay nauna ng naaresto noong August 30, 2022 sa parehong kaso at makakalaya na nasa noong September 26, 2022, ngunit ayon sa kay presiding judge na Gil Jude Franco Sta. Maria, ang akusado ay may hinaharap na panibagong kaso sa iba pa nitong complainant kung kaya’t hindi natuloy ang paglaya nito sa halip ay nadagdagan pa ang kanyang kaso.

Ang akusado ay kasalukuyang nasa Custodial facility ng Sta. Rosa CPS.

“Ang agarang pagkilos ng kapulisan ng Laguna PNP ay isa lamang patunay na ang Laguna Pulis ay laging handa para sa ikapapayapa at ikauunlad ng Lalawigan ng Laguna,” ayon kay Silvio.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.