MAYNILA. Muling ipatutupad ng Toll Regulatory Board (TRB) ang cashless o contactless toll collection sa lahat ng expressway simula Marso 15, 2025, ayon sa kanilang anunsyo nitong Sabado.
Ayon sa TRB, kasunod ito ng ilang buwang dry-run ng programa upang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng cashless toll collection initiative.
“All motor vehicles travelling along the toll expressways are mandatorily required to have Valid ETC Device/Radio Frequency Identification (RFID) sticker installed on them,” ayon sa ahensya.
Matatandaang unang ipinatupad ang cashless toll collection program noong Disyembre 2020 ngunit sinuspinde dahil sa ilang operational issues.
“This program intends to optimize the use of all the toll lanes/plazas through the utilization of Electronic Toll Collection (ETC) System,” pahayag ng TRB.
Dagdag pa ng ahensya, ang mga sasakyang walang valid ETC Device/RFID Sticker ay papayagang makapasok sa toll lane o plaza ngunit kinakailangang kabitan ng ETC Device/RFID Sticker sa itinalagang lugar matapos ang toll plaza o sa pinakamalapit na installation site.
“However, the Land Transportation Office (LTO), through its deputized personnel, will issue against them either a Temporary Operator’s Permit or a Show Cause Order for violating the ‘No Valid ETC Device, No Entry’ Policy under the DOTr/LTO/TRB’s Joint Memorandum Circular No. 2024-001, and will be meted the corresponding penalty/ies,” ayon pa sa TRB.
Ayon sa TRB, napansin nilang ang mga dedicated toll lanes para sa cash-paying motorists ay madalas na nagkakaroon ng mahabang pila ng sasakyan, na nagiging sanhi ng pagsikip ng daloy ng trapiko sa ETC designated lanes.
“It is expected that a better and more efficient flow of traffic will result once these lanes are strictly used for ETC only,” ayon sa kanila.
Hinihikayat ng TRB ang mga motoristang wala pang ETC Device/RFID Sticker na kumuha na nito upang maiwasan ang multa at abala sa pagbiyahe.
Bukod dito, tiniyak ng ahensya na kanilang pangangasiwaan at pasisimplehin ang proseso ng “ETC Device/RFID Sticker application and installation.”
“The installation of ETC Device/RFID Sticker is free, and there is no required maintaining balance. ETC/RFID subscribers may load the exact amount of toll fees needed to travel along the toll expressway. All of these are meant to make it easy and more convenient to the motorists,” pahayag ng TRB.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo