Cavinti Cave binisita ng DENR

0
468

Calamba City, Laguna. Sinuri ni Regional Technical Director Dr. Domingo Bravo ng Department of Environment and Natural Resources – Regional 4A (Calabarzon) ang mga stalactite formations sa loob ng Cavinti Cave sa isang pagbisita kasama ang mga kinatawan mula sa local government units ng Mauban at Sampaloc, kapwa sa Quezon province, at Cavinti sa Laguna, na nakikibahagi sa hurisdiksyon sa lugar.

Sa kabila ng pahayag ng departamento ng turismo sa potensyal nito bilang isang ecotourism site, pinaalalahanan ni Bravo ang mga kinauukulan LGU sa pangangailangan na kumpletuhin ang comprehensive management and development plan ng Cavinti Cave bago ito isulong sa turismo upang matiyak ang pangangalaga at proteksyon ng mga likas na katangian at biodiversity nito.

Ang mga kinatawan ng LGU na sumama kay Bravo sa ocular inspection noong Oktubre 17, 2014 ay sina Cavinti Engineer Ariel de Leon, Sampaloc Councilor Marvin Torres at Mauban Councilor Andrew Andrada.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.