Cavite, Batangas, at Oriental Mindoro, tatamaan ng tagtuyot sa Disyembre

0
423

Inaasahan na tatamaan ng tagtuyot ang mga lalawigan ng Batangas, Cavite, at Oriental Mindoro sa katapusan ng Disyembre 2023, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ang kasalukuyang El Niño ay posibleng mas lalong lumakas sa mga darating na buwan at maaaring magpatuloy hanggang sa ikalawang quarter ng 2024.

Ayon sa PAGASA, mayroong 20 na probinsya na maaaring maapektuhan ng dry spell, kabilang ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Palawan, Misamis Occidental, at Sulu.

Samantalang, pitong probinsya ang inaasahan ding makakaranas ng dry conditions, kabilang dito ang Abra, Ilocos Norte, Batanes, Bataan, Zambales, Metro Manila, Occidental Mindoro, at Antique.

Ang dry spell ay maaring mangyari kapag may below-normal na pag-ulan sa loob ng tatlong sunod-sunod na buwan, samantalang ang dry condition naman ay dulot ng dalawang sunod-sunod na buwan ng below-normal na pag-ulan.

Sa pagpasok ng Disyembre, inaasahan ang below-normal na pag-ulan sa buong Northern at Central Luzon, pati na rin sa kanluraning bahagi ng Southern Luzon, habang sa ibang bahagi ng bansa ay maaaring magkaruon ng normal na pag-ulan.

May inaasahang hanggang dalawang bagyo papasok bago matapos ang 2023, at ito ay posibleng mag-landfall sa Bicol Region, Eastern Visayas, at Caraga.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.