Cayetano, nakipagkita sa barangay frontliners ng Biñan

0
302

Biñan City, Laguna. Pinuri ni dating House Speaker Alan Peter Cayetano ang mga health workers at mga barangay tanod sa bansa na tumanggap ng karagdagang responsibilidad bilang mga first responders sa kanilang mga komunidad sa gitna ng dinaranas na epidemya.

“Iba yung level ng hirap sa barangay kasi kayo yung frontline, kayo ang nasa grassroots e. Sa inyo talaga unang kumakatok ang mga tao,” ayon kay Cayetano.

Si Cayetano ay bumisita sa lungsod na ito noong Oktubre 21 ay nagdala ng 250 pakete ng grocery para sa mga barangay tanod at barangay health workers dito.

Ang mga pakete ng groceries ay tinanggap ni Barangay Chair Michael “Moro” Gonzales ng Brgy. San Antonio, lungsod na ito, kasama ang mga opisyal ng barangay na sina Ericka Jimenez, Jacklyn Asiño, Arnel Bartolome, Edith Rivera, Reynante Espeleta, Angele Barion, Efren Peña,  SK Chair Jovelle Mercado, village Secretary Rufina Cristales, at village Treasurer Maricel De Matta.

“Ako po ay nagpapasalamat sa inyo former Speaker and former Senator Alan Peter Cayetano, na kami po ay hindi niyo nakalimutan, kami po’y hindi niyo pinabayaan, kami po ay iyong natulungan,” ayon sa mensahe ni Gonzales.

Inulit ni Cayetano ang kanyang panawagan sa pamahalaan na maglaan ng P200B para sa direct stimulus para sa pamilyang Pilipino na apektado ng epidemya. “Next year, P500 billion ang idagdag sa budget. Actually, sa P500 billion na yun, P200 billion lang ang kukunin, mabibigyan na ng P10,000 ayuda ang lahat,” ayon sa senador.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.