CBCP: Punk version ng ‘Ama Namin’, isang kalapastanganan

0
238

Tinurang ‘blasphemy’ o isang kalapasta­nganan ng isang obispo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na ginawang cosplayer si Hesukristo, nagsuot ng damit ng Nazareno at sumayaw sa saliw ng ‘punk version’ ng ‘Ama Namin’ ang drag queen na si Pura Luka Vega at mga kasamahan niya na nagba- viral ngayon sa social media.

“Dancing to the tune of a sacred and biblical prayer, with matching sacred costume to boot, is completely disrespectful not only of people and institutions practicing such faith but of God Himself,” ayon kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP Episcopal Commission on Public Affairs.

Ipinaalala niya na ang mga sagradong bagay ay hindi dapat ginagamit sa entertainment. Ito ay ginagamit para sa pagtitiwala ng pananampalataya ng mga Banal.

Kaugnay ito ng naging performance ng drag queen na si Pura Luka Vega na nagsuot ng damit ng Nazareno at sumayaw sa tugtugin ng ‘Ama Namin’ na tila binastos rin daw nang gawin itong ‘punk version.’ Ngayon ay viral na ang naturang video sa social media at kumakalat ang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Samantala, umaasa naman si Commission on Liturgy Chairman, Capiz Archbishop Victor Bendico na mapapatawad ng Diyos sina Vega sa kanilang ginawa, na tinawag niyang pambabastos.

“May God haved mercy on him. The sacred liturgy is a sacred celebration where God encounters his people through his word and the sacraments. The liturgical celebrations of the Church should glorify God at hindi babastosin ang Diyos. They are meant to sanctify people at hindi mambabastos ng mga tao,” dagdag pa ni Archbishop Bendico.

Bagaman marami ang nagtatanggol kay Vega sa kadahilanang ito ay isang uri ng sining, marami pa ring mamamayan ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya dahil sa napapansin nilang pang-aalipusta at paglapastangan sa mga Kristiyano

Humigit kumulang na 86% ng Pilipino ay Katoliko, ayon sa datos ng Asia Society.

Sa performance ng drag queen na si Pura Luka Vega na nagsuot ng damit ng Nazareno at sumayaw sa tugtugin ng ‘Ama Namin’ na tila binastos rin daw nang gawin itong ‘punk version.’ Ngayon ay viral na ang naturang video sa social media at kumakalat ang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens.
Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.