Cabuyao City, Laguna. Dinala sa ospital ang mahigit 100 estudyante sa kalagitnaan ng surprise fire drill sa isang paaralan sa lungsod na ito noong Huwebes, ayon sa ulat ng City Disaster Risk Reduction and Management (CDRRMO) kanina.
“Ang lahat-lahat 104…Dinala po lahat sa hospital,” ayon sa pahayag ni CDRRMO chief Sabi “Bobby” Abinal Jr.
Ayon sa sa initial findings, sinabi ni Abinal na nahimatay ang mga estudyante dahil sa gutom at dehydration.
Nagsagawa ang Gulod National High School, Mamatid Extension ng fire drill, alinsunod sa Department of Education Order No. 53 s. 2022 o Mandatory Unannounced Earthquake and Fire Drills in Schools, base kay Abinal.
Sinabi ni Abinal na hindi nakipag-ugnayan ang paaralan sa city government, CDRRMO, at sa Bureau of Fire Protection (BFP) hinggil sa isinagawang fire drill.
Sa kasalukuyan, wala pang komento ang paaralan tungkol sa pahayag ng CDRRMO.
Halos 3,000 estudyante ang nagtipon bandang alas-12:30 ng hapon sa fire drill na nag-umpisa bandang alas disng hapon, ayon pa rin kay Abinal. Inatasan ang mga estudyante na magtungo sa open evacuation area at sa mga silid-aralan.
Ang heat index sa lungsod ay halos 39 hanggang 42 degree Celsius mula ala una hanggang alas-3 ng hapon, dagdag ni Abinal.
Halos 20 estudyante ang nawalan ng malay sa open evacuation area habang halos 80 ang nahimatay sa loob ng masikip na classrooms, batay sa ulat ni Abinal.
Ayon pa sa kanya, walang safety officers at medics sa fire drill at tanging estudyante lamang mula sa Boy Scouts at Girl Scouts of the Philippines ang tumayong marshals.
Sa kasalukuyan, ilang pang estudyante ang nasa ospital habang ang iba ay nakauwi na.
Walang naiulat na estudyante na nasa kritikal na kondisyon.
Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo