Chairman patay sa riding-in-tandem sa harap ng kanyang barangay hall

0
115

TAAL, Batangas. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang barangay chairman sa bayang ito matapos siyang barilin ng dalawang hindi pa nakikilalang gunmen sa harap mismo ng kanyang barangay hall.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Erasmo Divino Hernandez, nakaupong barangay chairman ng  Barangay Poblacion, Zone 10, sa Taal, Batangas na nagtamo ng mga tama ng kalibre 45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naganap ang krimen bandang 7:30 ng umaga kamakalawa, habang ang biktima ay nakatayo sa harap ng barangay hall. Tumakas ang mga suspek na sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Sta. Teresita, Batangas. 

Napag-alaman na si Hernandez ay muling tatakbo para sa ikalawang termino bilang barangay captain ng Barangay Poblacion. 

Samantala, patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng Taal Municipal Police Station upang alamin ang motibo at mga detalye hinggil sa naganap na krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.