Charter change diringgin na sa House plenary

0
368

Matapos aprubahan sa committee level, iniakyat na sa House Plenary ang pagtalakay sa Charter Change.

Ang Resolution of Both Houses No. 6 na nagtutulak ng Constitutional Convention (con-con) upang amyendahan ang 1987 Constitution ay isinalang na para sa sa deliberasyon ng plenarya.

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez, chairperson ng House Committee on Constitutional Amendments, na ngayon na ang tamang panahon para sa Charter Change (Cha-Cha) na suportado ng lahat ng sektor batay sa kanilang isinawang public hearings.

“The result shows that out of 552 reactors and respondents, 424 or 77% are in favor, 109 or 20% are against and 19 or 3% abstained. In the mode preferences, 226 or 41% are for Constitutional Convention, 91 or 16% are for Constituent Assembly, 77 or 14% are for People’s Initiative and 158 expressed their no preference or 29%,” ayon sa paliwanag ni Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez na ang kabuuang magagastos sa Charter Change ay nasa P6 Billion, sa halagang ito, nasa P1.5B dito ang ilalaan para sa pagboto sa delegasyon at P3B para sa plebisito.

Iginiit ng kongresista na mahalaga ang pag-amyenda sa Saligang Batas para sa ekonomiya ng bansa at upang makatugon sa akma ng panahon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo