Chief PNP Carlos: Bilisan ang dismissal ng pulis na kinasuhan matapos magumon sa e-sabong

0
524

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos kanina na pabilisin ang dismissal proceedings laban sa pulis na nahaharap sa mga kriminal at administratibong reklamo dahil sa kanyang pagkagumon sa ‘e-sabong’ (online cockfighting).

Sinabi ni Carlos na ang summary dismissal proceedings ay isinasagawa laban kay Lt. John Kevin Menes, 24, na nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit – 4 (DEG– SOU4) ng Police Regional Office 4A (Calabarzon), na nahaharap ngayon sa mga kaso ng estafa at iligal na sugal.

“His activity inside a gambling establishment is in violation of a specific directive issued by the National Headquarters which constitutes Grave Misconduct under PNP Rules,” ayon kay  Carlos sa isang press conference sa Camp Crame.

Kasama si Menes sa pito pang tauhan ng PNP na pinarusahan para sa magkakatulad na paglabag sa pagsusugal mula noong Pebrero 2017 ng simulan ng PNP ng internal crackdown laban sa mga tauhan na sangkot sa iba’t ibang anyo ng pagsusugal kung kailan ay hinimok ni Carlos ang lahat ng unit commander na siyasatin ang mga gadget ng kanilang mga nasasakupan upang matukoy ang mga nahuhuli sa e-sabong.

“We are protecting our personnel from becoming addicted or addicted to that kind of gaming and will continue to inspect the cellphone of our personnel if they have such an app. If not, look at the trash bin and maybe just erase it. If you really want more, let’s go for forensic, digital forensic for not following the specific instruction. Again we don’t do it for ourselves to help the police because no one admits that he is addicted to gambling. They never realize that it’s too late in the day but we would like to help them, that’s why we are doing this inspection,” ang pagbibigay diin ni Carlos.

Nauna dito, inilay sa protective custody ang suspek sa quarters sa loob ng Camp Vicente Lim, Calamba, Laguna dahil sa reklamong administratibo na may kinalaman sa operational funds ng kanyang unit.

Kalaunan ay nakatakas siya at inaresto ng Manila police sa loob ng isang betting station sa Sta. Mesa noong Marso 30 matapos siyang hawakan ng mga empleyado ng establisyimento dahil sa hindi nababayarang utang na nagkakahalaga ng PHP15,000.

Paghahanap sa mga nawawalang ‘sabungeros’

Sa kaugnay na developments, sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) director Maj. Gen. Eliseo Cruz na nagsampa sila ng mga kasong kriminal laban sa walong tao na na-tag sa pagkidnap ng hindi bababa sa anim na sabungero sa Manila Arena na nananatiling nawawala hanggang sa isinusulat ang balitang ito.

“Out of the eight cases of missing sabungeros being handled by CIDG involving 34 persons missing, we were able to clear one that is the incident that happened at the Manila Arena wherein we were able to file cases against eight suspects who were believed to be responsible in this case,” ayon kay Cruz sa mga reporters.

Sinabi ni Cruz na naghahanda na rin sila ngayon ng isa pang kaso para sa mga natukoy na tao sa likod ng pagkidnap sa online sabong (cockfighting) financier sa Laguna.

“We are about to file another case of kidnapping and serious illegal detention against identified suspects that happened in San Pablo City wherein a certain victim, Mr. (Ricardo) Lasco, was abducted by at least five suspects who were identified out of the more than 10 armed suspects who abducted the victim, Mr. Lasco,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Cruz na ginagawa na rin nila ang ikatlong kaso na kinasasangkutan ng mga nawawalang sabong afficionados sa Meycauayan, Bulacan.

“We are still gathering the testimonies or the cooperation of possible witnesses here and we are in the process of securing documentary and physical evidence for us to be able to file the appropriate cases before the prosecutor’s office,” ayon kay Cruz.

Sa imbestigasyon ng Senado, isang Patrolman Roy Navarrete ang tinukoy na isa sa mga armadong lalaki na kumuha kay Lasco. Nagdulot ito ng mga haka-haka na may kinalaman ang mga pulis sa ilang kaso.

Ang espekulasyon na ito ay lalong pinasigla matapos na positibong kinilala ang dalawa pang pulis.

Ang lahat ng nawawalang sabungero ay nananatiling nawawala.

Ayon sa mga ulat, ang kanilang pagdukot ay bahagi umano ng crackdown ng mga online cockfighting operator laban sa mga sangkot sa game-fixing.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.