Chief PNP Carlos sa mga magulang: Subaybayan ang paglabas ng mga menor de edad

0
314

Ibinibilin ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos sa mga magulang na mahigpit na subaybayan ang kanilang mga anak kapag lalabas habang sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Sinabi ni Carlos na mas mainam na panatilihin ang mga bata sa bahay, lalo na kung walang mahalagang layunin upang sila ay lumabas at pumunta sa mga mataong lugar.

“We are appealing again to the parents or guardians to take the responsibility of monitoring their minor companion since there isn’t any age restriction for those who wish to go outdoors,” dagdag pa niya.

Ang tagubilin ni Carlos ay ibinaba kaugnay ng paghahanda ng pamahalaan sa paglulunsad ng pediatric vaccination laban sa coronavirus para sa mga batang 5-11 taong gulang sa Pebrero 4.

Ang mga local government units (LGUs) ay maaaring magpataw ng mga paghihigpit na napapailalim sa pagsusuri ng kani-kanilang regional Inter-Agency Task Forces.

Kasunod ng pag-downgrade, sinabi ni Carlos na nakatakdang i-recalibrate ng police force ang action plan nito sa rehiyon at pitong iba pang lugar sa ilalim ng Alert Level 2.

“Pinapayuhan namin ang aming mga unit commander na i-verify ang mga pagsasaayos sa mga patakaran na maaaring ipatupad ng mga LGU sa kanilang lokalidad,” ayon sa kanya.

Photo credits: Pinterest

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.