Child rapist na MWP, arestado

0
282

Sta. Cruz, Laguna. Arestado sa manhunt operation ng Sta Rosa City Police Station (CPS) ang isang most wanted person (MWP) na akusado sa salang panggagahasa sa isang menor de edad.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Office Director PCol. Cecilio R Ison Jr ang akusado na si Rodrigo Capiral Matalab, 54 anyos na construction worker at residente ng Brgy Kanluran, Sta Rosa City Laguna.

Sa isinagawa ang operation noong Mayo 25, 2022, dinakip ang suspek sa kanyang bahasa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 102 at 101 sa Sta. Rosa City.

Si Matalab ay rank 7 most wanted person sa city level na matagal ng pinaghahanap ng batas matapos kasuhan ng panghahalay sa isang menor de edad na naganap mula noong 2013 hanggang 2021.

Ayon sa habla laban sa kanya, ginagawa niya ang panghahalay tuwing  ihahabilin sa kanya ng mga kamag anak ang biktima.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.