China, tumanggi na may kinalaman sa cyberattack; Pumalag sa mga akusasyon ng Pilipinas

0
125

Ipinaabot ng China kahapon na “groundless” o walang basehan ang mga akusasyon na itinuturing na Chinese hackers na pumasok sa email systems at internal websites ng ilang ahensya ng gobyerno ng Pilipinas.

Ayon sa pahayag ng tagapagsalita mula sa Chinese Embassy sa Beijing, iginiit nito na “we firmly opposes and cracks down on all forms of cyber attack in accordance with law, allows no country or individual to engage in cyber attack and other illegal activities on Chinese soil or using Chinese infrastructure.”

Mariing tinututulan ng opisyal ang mga “maliciously speculated” na akusasyon mula sa ilang opisyal at media sa Pilipinas, na nag-akusa sa China ng cyber attacks at iniuugnay pa ito sa mga isyu sa South China Sea. “Such remarks are highly irresponsible,” aniya pa.

Sa pahayag ng Chinese official, ipinanawagan nito ang pangangailangan ng “dialogue at cooperation” sa pagprotekta sa cybersecurity, anupat itinuring itong isang “global challenge.”

Sa kabilang banda, kinumpirma ng Philippine Coast Guard na nananatiling secure ang kanilang website matapos ang mga ulat ng hacking attempts sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito ay kasunod ng pahayag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na nagsabing na-hack ng mga hackers, na iniuugnay sa Tsina, ang email systems at internal websites ng ilang government agencies gamit ang cloud service provider.

Sa pakikipag-ugnayan sa cloud service provider, natukoy ng DICT ang sitwasyon at naagapan ito, ayon kay DICT Undersecretary for Cybersecurity Jeff Ian Dy. Kabilang sa mga tinarget ng malisyosong email ang mga sumusunod: Cabsec.gov.ph, Coastguard.gov.ph, Cpbrd.congress.gov.ph, Dict.gov.ph, at Doj.gov.ph.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo