MAYNILA — Nadagdag sina Sen. Francis “Chiz” Escudero, Makati City Mayor at dating Sen. Nancy Binay, Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, at dating Sen. Bong Revilla Jr. sa listahan ng mga politikong idinadawit sa umano’y “kickbacks” kaugnay ng flood-control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, binasa ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo ang kanyang sinumpaang-salaysay kung saan tinukoy ang apat na nabanggit na personalidad. Kabilang din sa dokumento ang pangalan ni Trygve Olayvar, na kasalukuyang undersecretary ng Department of Education (DepEd).
Bago pa man ang pahayag ni Bernardo, una nang isinangkot si Co nina dating DPWH engineers Henry Alcantara at Brice Hernandez sa mga naunang pagdinig.
Matapos basahin ang kanyang salaysay, isinama si Bernardo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Department of Justice (DOJ) upang suriin ang kanyang mga ibinunyag na impormasyon.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.






