Chopper ng PNP Air Unit, bumagsak sa Quezon: 3 pulis ang sugatan

0
396

Real, Quezon. Bumagsak sa bayang ito ang isang Airbus helicopter ng Philippine National Police Air Unit kanina bandang 8:15 ng umaga bulubundukin ng Purok Mayaog, Brgy. Pandan sa bayang ito.

Mabilis na nakapagsagawa ng rescue operations ang Quezon Police Office kung saan ay nailigtas ang tatlong pulis na nasugatan sa naganap na sakuna. Ang mga survivor ay kinilala ni Police Corporal Grace Calimag ng  Quezon PNP Police Information Office na sina PLt.Col Meloria, PLt.Col Vitug at Patrolman Allen Ona.

Isinugod ang mga biktima sa Real Municipal Hospital ngunit inilipat din sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta, Quezon.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang naging sanhi ng pagbagsak ng naturang chopper.

Sa paunang report, ang helicopter na may tail number na RP-9710 ay galing sa Maynila at tutungo sa Balesin Island.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang sanhi ng pagkakabagsak ng nabanggit na helicopter.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.