CIDG: Ang paghatol kay ‘Poblacion Girl’ ay triumph of justice

0
203

Pinuri ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kahapon ang paghatol kay Gwyneth Chua na kilala rin bilang “Poblacion Girl,” na lumabag sa mga protocol ng quarantine noong Disyembre ng nakaraang taon sa gitna ng coronavirus pandemic.

“We are elated over the release of the court’s decision in the case involving Gwyneth Chua. This proves the strong partnership and commitment of our law enforcement agencies and our courts to maintaining justice, law, and order for everyone. Likewise, we continue to call on the public to follow the enforced health and safety rules during this pandemic and the CIDG is ready to hold accountable anyone who violates this,” ayon kay CIDG chief, Brig. Gen. Ronald Lee, sa isang statement.

Hinatulang guilty ng Makati City Regional Trial Court (RTC) Branch 128 si Chua sa paglabag sa Section 9 (d) ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act at inutusan siyang magbayad ng multang PHP20, 000.

Inilabas ni Judge Maureen Rubio-Marquez ang hatol matapos umamin ng guilty si Chua sa mga kaso sa arraignment noong Lunes.

Si Chua, isang returning overseas Filipino (ROF) mula sa United States ay nakatakas mula sa mandatory quarantine sa Berjaya Hotel at nakitang kumakain kasama ang ilang mga kakilala sa isang restaurant sa Makati City.

Ang reklamo laban kay Chua ay inihain ng CIDG National Capital Region noong Enero 4, matapos makumpleto ang kanilang imbestigasyon at maitatag ang probable cause para ihain ang reklamo.

Noong Abril, kinasuhan ng Makati City prosecutors si Chua sa mga kasong paglabag sa RA 11332 kasama si Esteban Gatbonton, isang security guard ng hotel, dahil sa diumano ay pagtulong sa kanya na lumaktaw sa quarantine.

Isang pre-trial conference ang ginanap para sa hiwalay na kasong kriminal laban kay Gatbonton. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.