Cityhood requirements ng mga munisipalidad, mas pinadali sa bagong RA 7160

0
964

Madali na para sa mga munisipalidad ang mag-apply upang maging lungsod sa ilalim ng Republic Act 11683, na nag-aamyendahan sa Section 450 ng RA 7160 o ang Local Government Code of 1991.

Sinabi ni Senador Panfilo Lacson kahapon na ang batas ay magbibigay-daan sa pamahalaan na tugunan ang hindi pagkakapantay-pantay sa pambansang yaman at magbigay ng mabisang epekto ng pagiging isang lungsod sa mas maraming tao.

“We can now give our people better delivery of public services and a fair share of our progress,” ayon kay Lacson said sa isang pahayag.

Nakasaad sa Section 450 ng Local Government Code na bago gawing component city ang isang munisipalidad o cluster ng mga barangay (villages), kailangan itong magkaroon ng annual income na hindi bababa sa PHP100,000,000, isang teritoryo na hindi bababa sa 100 square kilometers, at populasyong hindi bababa sa 150,000.

Ang Senate Bill 255 ni Lacson, kasabay ng House Bill 8207, ay nagbigay ng solusyon sa mga munisipalidad, na nag-aaplay na maging lungsod, mula sa mga kinakailangan sa lupa at populasyon kung ito ay bubuo ng hindi bababa sa PHP100 milyon sa loob ng dalawang magkasunod na taon.

“Some municipalities, despite their small land area or population have shown they can provide essential government facilities and social services to their inhabitants that are comparable and even above par with existing cities,” ayon sa paliwanag ni Lacson.

Magiging hindi patas sa mga residente ng munisipyo ang pagkaitan ng pagiging lungsod dahil lamang sa mas maliit sa 100 square kilometers ang kanilang bayan o may populasyong mas mababa sa 150,000, ayon sa kanya.

Ang RA 11683 ay naging batas sa ika-30 araw ng paghahain nito noong Abril 10 ngunit nilagdaan lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Abril 11.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.